Balanced Living Therapy LLC

Bawal ang diskriminasyon ayon sa batas. Ang Balanced Living Therapy LLC ay sumusunod sa mga naaangkop na pederal na batas sa karapatang sibil at hindi nagdidiskrimina batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan (kasama ang limitadong kakayahan sa Ingles at pangunahing wika), edad, kapansanan, o kasarian. Ang Balanced Living Therapy LLC ay hindi nagtatangi o nagbibigay ng mas mababang pagtrato sa mga tao dahil sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, o kasarian.

Ano ang aming ibinibigay

Ang Balanced Living Therapy LLC ay nagbibigay sa mga taong may kapansanan ng makatuwirang pagbabago at libreng angkop na pantulong at serbisyo para makipag-usap nang maayos sa amin, tulad ng:

  • Kwalipikadong interpreter ng sign language
  • Nakasulat na impormasyon sa ibang anyo (malaking print, audio, accessible na electronic na format, iba pang anyo)

Ang Balanced Living Therapy LLC ay nagbibigay ng libreng tulong sa wika para sa mga taong ang pangunahing wika ay hindi Ingles, na maaaring kabilang ang:

  • Kwalipikadong interpreter
  • Impormasyon na nakasulat sa ibang mga wika

Kung kailangan mo ng makatuwirang pagbabago, angkop na pantulong at serbisyo, o tulong sa wika, makipag-ugnayan sa aming Section 1557 Coordinator, si Jesse Dunn, Clinical and Executive Director, sa (425) 977-4988 (TTY: 711), o magtanong sa sinuman sa front desk. Tingnan din ang aming abiso tungkol sa tulong sa wika.

Paano magsampa ng reklamo sa amin

Kung naniniwala kang ang Balanced Living Therapy LLC ay hindi nagbigay ng mga serbisyong ito o nagdiskrimina sa ibang paraan batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, o kasarian, maaari kang magsampa ng reklamo kay:

Jesse Dunn, Section 1557 Coordinator
Balanced Living Therapy LLC
7500 212th Street SW, Suite 205, Edmonds, WA 98026
Telepono (425) 977-4988 (TTY: 711)
Fax (425) 977-4989
frontdesk@balancedlivingtherapy.com

Maaari kang magsampa ng reklamo nang personal o sa pamamagitan ng koreo, fax, o email. Kung kailangan mo ng tulong sa pagsampa ng reklamo, si Jesse Dunn ay handang tumulong sa iyo. Hindi ka namin pag-iinitan o gagantihan dahil sa pagsampa ng reklamo.

Paano magsampa ng reklamo sa pederal na pamahalaan

Maaari ka ring magsampa ng reklamo tungkol sa karapatang sibil sa U.S. Department of Health and Human Services, Office for Civil Rights, sa pamamagitan ng Office for Civil Rights Complaint Portal, o sa pamamagitan ng koreo o telepono sa:

U.S. Department of Health and Human Services
200 Independence Avenue, SW
Room 509F, HHH Building
Washington, D.C. 20201
1-800-368-1019, 800-537-7697 (TDD)

Makukuha ang mga form ng reklamo sa hhs.gov/ocr/office/file.

Ang abisong ito ay makikita sa balancedlivingtherapy.com/nondiscrimination.